FANDOM



Tungkol sa Laro Edit

Throne of Lies: The Online Game of Lies & Deceit, or "ToL", ay isang online, social deduction video game - na nakakuha ng inspirasyon sa pulitikang medyebal at Werewolf/Mafia dyanra. Hanggang sa labing anim (16) katao ang maaring maglaro ng sabay sabay.

ang larong ito ay malalaro sa PC, Mac, Linux. Baka rin sa VR. at ang Kickstarter at closed alpha ay nagsimula noong maagang Q2 2017

Live Chat: https://discord.gg/gvNbRSB

Layunin ng Laro Edit

Depende kung saang pangkatin ang iyong klase, ang layuning ng laro ay talunin ang kalabang pangkatin (koponan/alyansa) o ang Mabuhay.

Paano Laruin (Quickstart) Edit

Ang mga Taksil, kilala bilang ang pangkat ng Unseen o ang Kulto ay nababalitang may masamang balak sa kastilyo. Kailangang malaman ng mga tapat na mamamayan ng pangkat ng Blue Dragon kung sino ang nagtaksil sa pamamagitan ng sosyal na pangangatwiran at mga palantandaan.

Ang Laro ay simple lang : Patayin ang mga Taksil (Pangkat ng Unseen o ang Kulto) bago nila mapatay ang mabubuting mamamayan (pangkat ng Blue Dragon): Pumatay o mapatay, ngunit kailangang mapatay ang tamang tao.

Sa gabi, ang mga Taksil (Pangkat ng Unseen o ang Kulto) ay karaniwang papatay o manggugulo sa mabuting pangkat (Pangkat ng Blue Dragon): Itong mga manlalaro na ito, sa gabi, ay maaring pumatay or gamitin ang kanilang mga kapangyarihan. ang Pangkat ng Unseen at Kulto ay maari ding makipag usap at makilala nila ang isa't isa sa gabi.

Sa kabilang dako, sa gabi, ang mabubuting tao (Pangkat ng Blue Dragon) ay susubukang imbestigahan, ipagtanggol or tulungan ang iba, mayroon ding mga piling tao na may kakayahang pumatay. Susubukan nilang malaman kung sino ang kalaban o kakampi sa pag iimbestiga. Karamihan sa mga mabubuting mamamayan ay hindi makakapag salita sa isa't-isa kapag gabi. Ang mga mabubuting mamamayan, bagamat nahihigitan ang bilang ng Unseen o ang Kulto, ay di kilala kung sino ang kalaban at kakampi.

Pagdating ng umaga, malalaman kung sino ang napatay nung gabi at paguusapan ang pangyayari. Magbibigay ng mga palatandaan, ebidensya (at mga huwad na ebidensya gawa gawa ng Unseen o ng Kulto) sa kaso at sa paggamit ng social deduction, ang usapan ay maaring magturo ng suspek. Bilang tulong, bibigyan ang mga manlalaro ng kapangyarihan sa araw upang mapagusapan ang kaso. Bago mag gabi, isa sa mga manlalaro ang tutukuyin bilang akusado at papatayin - ang iyong tungkulin ang patayin ang tamang tao.

Marami pang kailangan matutunan sa laro : mga abilidad, kakaibang uri , Neutral na pangkat , at Kulto upang gawin mas masaya ang laro. Para sa dagdag kaalaman, tignan sa baba ang iba pang mga links!

Ang Apat na Pangkatin? Edit

Sa larong ito, ang bawat manlalaro ay itatalaga sa isa sa apat na pangkatin.

1. Blue Dragon (Mabuti): Ang layunin ng Blue Dragon and talunin ang Unseen, Kulto at kahit sinong walang kinikilingan na may layuning sirain ang kanilang pangkat. Iilan lamang sa pangkat ng Blue Dragon ang may kakayanan sa pagpatay, kaya't kinakailangan nilang umasa sa sa pagbibitay sa umaga upang puksain ang nagkasala. Ang Blue Dragon ay ang pinakamarami sa lahat ng pangkat pero hindi nila kilala ang isa't isa.

2. Unseen (Masama): Ang layunin ng Unseen ay talunin ang Blue Dragon at kahit sinong walang kinikilingan na may layuning sirain ang kanilang pangkat. Ang Unseen ay kakaunti ngunit kilala nila ang isa't isa. ang utak ng pangkat ay kayang ipag pa balik loob ang mga ibang manlalaro para sumali sa kanila bilang "darker version" ng sarili niya

3. Neutral (walang kinikilingan): May mga Neutral ay kailangan lamang mabuhay hanggang matapos ang laro. May ibang Neutral na may kakaibang layunin sa laro. ang mga miyembro ng pangkat na walang kinikilingan ay hindi pwedeng makipag usap sa gabi. ang Reaper ay ang sarili nyang Neutral Faction.

4. Kulto (Cult): Ang layunin ng Kulto ay talunin ang Blue Dragon at mga neutral (walang kinikilingan) na may layuning piksain sila. Ang Kulto mag uumpisa lamang sa Lider ng Kulto at isang Seeker. Ang Lider ng Kulto ay may kapangyarihang makakuha ng mga bagong kasapi na manggaling sa Blue Dragon. ang mga miyembro ng Kulto ay pwedeng makipagusap sa gabi. Ang Lider ng Kulto ay kayang ibrainwash ang mga iba para sumali sa Kulto bilang isang miyembro ng kulto base sa kanilang dating uri ng klase

Ang Natatangi? Edit

Ang Throne of Lies ay di tulad ng ibang social deduction na laro. Ang laro ay may dalawang natatanging pamamalakad.

Sa umpisa ng laro, isa sa mga manlalro ang itatalagang Hari at mapupunta sa isang Pangkat (Any). Ang Hari ay may kapangyarihang imanipula at impluwensyahan ang pagboboto gamit ang mga extra votes. Ang Hari ay lubhang mapanganib sa kalabang pangkatin. Bagamat, lahat ng kalaban ng Hari ay may balak syang patayin. Kapag napatay ang Hari, magkakaroon ng sariling nominasyon para makahanap ng bagong Hari. Pwedeng kunin ang posisyon ng hari ng mga Maharlika, tapos ang mga mamayan

Walang mamamatay taong Blue Dragon ay pwedeng targetin ang Hari gamit ang kanilang mga abilidad. ang masasamang pangkat na dapat alam kung sino ang kanilang mga kasama ay di alam kung ang Hari ay masama - Hindi sila makikita sa "Evil Teammates list"

  • Ang Pangkat ng Unseen at ang Kulto ay may kapangyarihang makapagpa balik-loob. Garantisadong magkakaroon ng Kulto O Unseen ang isang laro - Kung ang Kulto ay nandyan wala kang makikitang Unseen, pag ang Unseen ay nandyan wala kang makikitang Kulto.

Sa bawat bida, kailangan ng kontrabida, ganun din sa Throne of Lies -- sa totoo niyan, may dalawang kontrabida. lahat ng laro ay garantisadong magkakaroon ng Kulto o Pangkat ng Unseen:

1) Ang Unseen ay magsisimula na mayroon Utak ng pangkat (Mastermind) at ng Mamamatay-tao (Assassin). Ang mamamatay-tao ay syang gagawa ng pagpatay at ang Utak ng pangkat ang syang mag papabalik loob. Sa pagkakataong ito, kung saan ang Utak ng Unseen ang makapagpapabalik loob ng mga manlalaro, syang umpisa ng kasiyahan.

Ang Utak ng Unseen ay may kakahayang magsali ng mga manlalaro sa kanyang pangkat, pwede ito dahill ang Unseen ay pwede lamang magkaroon ng tatlong(3) miyembro. Kung ang Utak ng Unseen ay nakapag sali ng bagong kasapi, ang bagong kasapi ay magiging kaanib at susuportahan ang Unseen. karagdagan pa dyan, ang mga bagong kasapi ay magiging bagong uri. Ang bagong uri ay katulad din ng dati bagamat hindi halos tugma ng dating uri (Clone).

Kapag ang mamamatay-tao (Assassin) ay namatay, ang bagong uri ang papalit. Ang Utak ng pangkat ay di maaring mapalitan.

2) ang Kulto ay magsisimula na may Cult Leader at Seeker. Ang Cult Leader ay kaya ring makapag balik-loob, pero ang bagong uri ng target ay natutukoy gamit ang uri niya hindi ang kanyang klase niya. Ang pangkat na ito ay mayroong limit na apat(4) na miyembro.

Uri ng KarakterEdit

Mayroong pitong(7) uri ng karakter para maintindihan kahit na hindi basahin ang kanilang mga abilidad:
Killer-Type.png
Mamamatay-tao (Killer) = Kayang pumatay ng kalabang pangkatin
Offensive-Type.png
Opensibo (Offensive) = Uri na may kakayanan at pamamaraang opensibo upang guluhin ang kalaban
Investigative-Type.png
Tagapagsiyasat (Investigative) = Uri na may kakayanang imbestigahan ang iba. Maaring makakuha ng mga palatandaan at uri/pangkat/klase ng iba
Social-Type.png
Sosyal (Social) = Ang Sosyal na uri ng manlalaro ay may kakayanang makipag usap at abilidad sa pakikisalamuha upang umunlad sa laro
Special-Type.png
Natatanging Uri (Special) = May mga natatanging uri tulad ng Hari (King) at ang Utak ng Pangkat ng Unseen (The Mastermind), na hindi bibilang sa kahit anong karakter
Support-Type.png
Support = Support na uri na tumutulong sa pagpapagaling, Pagproprotekta, o pagbibigay ng kapangyarihan sa ibang uri.
Wildcard-Type.png
Wildcard = Ang mga Wildcard ay uri ng karakter na pansarili ang interes.
** Ang mga Uri at klase ay maaring mabago habang nasa alpha/beta
#

Pangkatin

Klase Uri Palit- Anyo (Kulto) Palit-Anyo(Unseen) Uri ng Palit-Anyo (Unseen) Natatangi? Garantisado?
1 Random The King Espesyal (Immune sa pagpapalit) (Immune sa pagpapalit) - Natatangi Oo
2 Blue Dragon The Court Wizard Support Ritualist The Sage Opensibo - Hindi
3 Blue Dragon The Butler Opensibo Invoker The Servant Sosyal - Hindi
4 Blue Dragon The Knight Killer Invoker The Enforcer Killer - Hindi
5 Blue Dragon Observer Imbestigador Seeker The Nightwatch Imbestigador - Hindi
6 Blue Dragon Noble Sosyal Apostle The Aristocrat Sosyal - Hindi
7 Blue Dragon Paladin Killer (Immune sa pagpapalit) (Immune sa pagpapalit) - Natatangi Oo(Kung nandyan ang Kulto)
8 Blue Dragon Physician Support Ritualist The Herbalist Opensibo - Hindi
9 Blue Dragon Priest Support Ritualist The Soulcatcher Imbestigador Natatangi Hindi
10 Blue Dragon Prince Killer (Immune sa pagpapalit) (Immune sa pagpapalit) - Natatangi Oo
11 Blue Dragon Princess Imbestigador Seeker The Duchess Imbestigador - Hindi
12 Blue Dragon Psychic Sosyal Apostle The Illusionist Sosyal - Hindi
13 Blue Dragon Sheriff Imbestigador (Immune sa pagpapalit) (Immune sa pagpapalit) - Natatangi Oo(Kung nandyan ang Unseen)
14 Unseen Assassin Killer (Immune sa pagpapalit) (Immune sa pagpapalit) - Natatangi Oo(Kung nandyan ang Unseen)
15 Unseen Mastermind Espesyal (Immune sa pagpapalit) (Immune sa pagpapalit) - Natatangi Oo(Kung nandyan ang Unseen)
16 Neutral Alchemist Support (Immune sa pagpapalit) (Immune sa pagpapalit) - - Hindi
17 Neutral Fool Wildcard (Immune sa pagpapalit) (Immune sa pagpapalit) - - Hindi
18 Neutral Mercenary Support Ritualist The Sellsword Support - Hindi
19 Neutral Reaper Killer (Immune sa pagpapalit) (Immune sa pagpapalit) - Natatangi Hindi
20 Neutral Possessor Killer (Immune sa pagpapalit) (Immune sa pagpapalit) - Natatangi Hindi
21 Kulto Cult Leader Espesyal (Immune sa pagpapalit) (Immune sa pagpapalit) - Natatangi Oo(Kung nandyan ang Kulto)
22 Kulto Seeker Sosyal (Immune sa pagpapalit) (Immune sa pagpapalit) - - Oo(Kung nandyan ang Kulto)
23 Kulto Invoker Opensibo (Immune sa pagpapalit) (Immune sa pagpapalit) - - Hindi
24 Kulto Ritualist Support (Immune sa pagpapalit) (Immune sa pagpapalit) - - Hindi
25 Kulto Apostle Sosyal (Immune sa pagpapalit) (Immune sa pagpapalit) - - Hindi

Normal Mode ng LaroEdit

Sa normal na laro, walo(8) hanggang sampung(10) manlalaro ay magiging kaanib ng Blue Dragon. Ang Blue Dragon sa normal na laro ay garantisadong magkakaroon ng Sheriff o Paladin at Prince

Kung ang Unseen ay nasa laro, garantisadong magkakaroon ng Mastermind at Assassin. Magkakaroon ng Sheriff ang Blue Dragon kung ganito ang laro

Kung ang Kulto naman ay nasa laro, garantisadong magkakaroon ng Cult Leader and Seeker. Magkakaroon ng Paladin ang Blue Dragon kung ganito ang laro.

Ang mga manlalarong di magkasama sa mga ibang Pangkat ay magiging Neutral

Garantisadong magkakaroon ng King sa lahat ng laro, di bale na kung may Kulto o Unseen at pwedeng maging miyembro ng kahit anong Pangkat, na walang iba ang nakakalam sa kanyang pangkat.

Mga Bahagi ng Laro (Game Phases/Flow) Edit

Ang ToL ay may dalawang bahagi ng laro : umaga at gabi. Mag uumpisa ang laro sa gabi, susundan ng umaga, at magpapatuloy ng ganito paulit-ulit hanggang isa sa mga Pangkat ay manalo.

Umpisa ng Laro (Game Start)

Ang mga manlalaro ay bibigyan ng pagkakataong lagyan ng alyas ang pangalan ng laro at maitatalaga sa isang klase ng karakter, syang bukod tangi na makaka alam kung anong klaseng karakter. Ang mga manlalaro ay ipakikilala sa isa't isa, at isa sa mga ito ang magiging Hari. Lahat makakakilala sa Hari, ngunit ang Hari lamang ang makaka alam kung ano ang Pangkat niya. Matapos ang maigsing usapan, ang mga manlalaro ay babalik sa kani kanilang silid at syang mag uumpisa ang gabi.

Gabi

Ang mga Maharlika, Kulto at miyembro ng Unseen ay maaring makipag-usap sa iilang mga manlalaro habang ang iba ay tahimik na palalampasin ang gabi. Ang mga manlalaro na may mga kapangyarihan ay maaring gamitin ang kanilang kapangyarihan sa gabi. May mga makakapag imbestiga, ang iba naman ay makakapag protekta, habang ang iba ay kayang pumatay. Ang mga pangyayari sa gabi ay mareresolba lamang sa katapusan ng gabi. Ang mga manlalaro ay pagbibigyang-alam sa mga pangyayari sa kanila. (Halimbawa, binalak ng Assassin patayin ang Butler, at kasabay non, sinubukang hadlangan ng Butler ang Assassin. Sa ganitong pangyayari, mauuna maresolba ang aksyon ng Butler kaysa sa Assassin at hindi mapapatay ng Assassin ang Butler).

Umaga

Sa umaga, malalaman kung sino ang namatay nung gabi. Ang Klase ng namatay ay malalaman din kasama ang kanilang mga naitala (Journal) at isang Death Note na iniwan ng pumatay.

Kapag ang Hari ang namatay, magkakaroon ng botohan kung sino ang papalit sa Hari. Ang mga maharlika ay maaring pumalit sa Hari. Kapag isa lang sa Maharlika ang nag prisinta, awtomatikong magiging Hari siya. Kung dalawa ang pagpipilian, magkakaron ng balota. Kapag walang nag prisinta, Itutuloy kinabukasan ang pag piprisinta para sa pagiging Hari. Kapag dalawang araw na sunod na walang mapiling Hari, magtutuloy ang laro ng walang Hari hanggang matapos ang laro.

Matapos makapili ng bagong Hari o ang Hari ay nabuhay kinagabihan, magkakaroon ng usapan upang ituro ang taksil sa mga manlalaro. Ang manlalaro ay maaring gamitin ang kanilang kakayanang pang umaga ng patago ayon sa kanilang Uri. Ang mga kakayanang ito ay karaniwang kusang gagana at bawat manlalaro ay maari lamang gumamit ng isa sa kanilang mga kapangyarihan. Para matulungan ang manlalaro, maaring basahin ang wiki sa loob ng laro upang gumamit ng pangangatwiran. Habang nag aakusa, kung makumbinsi ang manlalaro, sila ay maaring bumoto ng kanilang pinaghihinalaan. Kung sino man ang may pinaka maraming boto, isang paghuhusga ang gagawin sa manlalaro. Kapag napatunayang may kasalanan, siya ay hahatulan ng kamatayan. Ang unang nag akusa ay syang bibigyan parangal na siya ang pumatay sa akusado. Ang armas ng tiga akusa ay syang magsasabi kung papaano ang bitay.

Patay ka na ba?

Ang mga namatay ay maaring manood mula sa libingan. Hindi na sila maaring makipag usap sa mga buhay maliban kung may kakayanan. Ang patay na manlalaro ay maari pa din manalo kung matupad ang kundisyon sa pagkakapanalo.

Balangkas Edit

Ang Throne of Lies ay may Balangkas ayon sa petsa ng paglalahad:

  1. Ang Kastilyo (The Castle)
  2. Ang Mabuting Hari (The Good King)
  3. Ang Corrupt na Hari (The Corrupt King)
  4. Nasaan ang aking kulay..? Kwento ng isang hangal (Where is my color..? A fool's story)
  5. Ang Conspiracy (The Conspiracy)
  6. Ang Pagtitipon (The Gathering)

Inspirasyon mula sa Edit

Wins/Appearances Edit

External Links Edit

Language Translations Edit

Kung ang Menu sa taas ay di gumagana, subukan ito:

Partner Social Deduction Games Edit

Heist Gone Wrong Wikia Edit

A Heist Gone Wrong is an online multiplayer game for 4 to 6 people about bluffing and deception. It is based on One Night Ultimate Werewolf. A bank robbery doesn't go as planned, and the Robbers mix in with innocent bystanders. Your goal is to figure out who the Bank Robbers are and arrest one, or to survive as the Bank Robber, depending on your role.

Camp Cadaver's Wikia Edit

Camp Cadaver is inspired by well known tropes from 1980s slasher films. Become a hero and try to survive, or secretly destroy the camp as a villain or psycho. Includes over 60 roles and 200 cosmetic options to ensure every round is different and filled with mayhem. Options include playing with a reduced role list for easier deduction, fast or long play, and much more. Rounds accomidate 5 - 15 players.

Ad blocker interference detected!


Wikia is a free-to-use site that makes money from advertising. We have a modified experience for viewers using ad blockers

Wikia is not accessible if you’ve made further modifications. Remove the custom ad blocker rule(s) and the page will load as expected.

Also on FANDOM

Random Wiki